Thompson, Green nagbida sa Warriors
HOUSTON — Itinala ni Draymond Green ang kanyang NBA-leading na pang-limang triple-double para igiya ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 114-110 panalo laban sa Rockets.
Tumapos si Green na may career-high na 16 assists at nagdagdag ng 10 points at 11 rebounds.
Isang reporter ang nagtanong kay Green kung dapat bang mag-alala si Stephen Curry dahil inaagaw niya ang trabaho nito bilang point guard habang may leg injury ang NBA MVP.
“I don’t think Steph Curry got to worry about too much of nothing,” natawang wika ni Green. “I just tried to step up and make plays. One thing we talked about was kind of trying to slow the pace of the game down and executing our offense.”
Pinamunuan ni Klay Thompson ang Warriors sa kanyang 38 points.
Nagmula ang Warriors sa kabiguan sa Dallas Mavericks noong Miyerkules para sa kanilang ikalawang kabiguan sa season dahil hindi nakalaro si Curry bunga ng sore left lower leg.
Sumandal ang Warriors sa magandang laro ni Thompson, nagsalpak ng anim na tres, para talunin ang Rockets.
Tumapos si Harden na may 30 points sa panig ng Houston.
Sa Oklahoma City, kumamada si Russell Westbrook ng 36 points, 12 assists at 5 steals para ihatid ang Thunder sa 110-106 panalo kontra sa Phoenix Suns.
Nagdagdag si Kevin Durant ng 23 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Oklahoma City.
“It was a good night for him,” sabi ni Durant kay Westbrook. “He was just efficient. He had the ball in his hands and made good decisions. He took control of the game and made shots. That’s what he does, he’s a scorer. He’s a guy that sets everybody up. He was big tonight.”
Nakatanggap naman sina Durant, teammate Steven Adams at Phoenix center Tyson Chandler ng technical foul sa first half.
Sa Auburn Hills, humakot si Andre Drummond ng 23 points at 18 boards, habang nagtala si Reggie Jackson ng 19 points at 9 assists para tulungan ang Detroit Pistons sa 115-90 tagumpay laban sa Minnesota Timberwolves.
Pinamunuan ni Kentavious Caldwell-Pope ang Pistons, nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan, sa kanyang 22 markers.
- Latest