^

PM Sports

Ika-2 panalo ng Philadelphia

Pang-masa

PHOENIX – Pinitas ng Philadelphia 76ers ang kanilang ikalawang pana­lo sa kasalukuyang sea­son matapos talunin ang Phoenix Suns, 111-104, sa likod ng 22 points ni Isaiah Canaan at 17 ni reserve Nik Stauskas.

Nagdagdag si Carl Lan­dry ng 16 points para wakasan ng Philadelphia (2-30) ang kanilang 12-game losing slump para sa kanilang unang panalo matapos noong Dec. 1.

Pinigilan din ng 76ers ang kanilang 23-game road slide simula noong na­karaang season.

Tumipa si dating Suns guard Ish Smith, nakuha sa trade sa New Orleans Pelicans noong Christmas Eve, ng 14 points para sa kanyang starting role. Nagdagdag si Nerlens Noel ng 14 points at 11 rebounds.

Nagkaroon naman si Suns leading scorer Eric Bledsoe ng sprained left knee sa first half.

Ito ang ikaapat na sunod na kamalasan ng Suns at naipatalo ang anim sa huli nilang pitong laro.

Sa Portland, tumikada si Allen Crabbe ng career-high 26 points at nalimitahan ng Trail Blazers si LeBron James sa 12 points para talunin ang Cleveland Cavaliers, 105-76.

Umiskor si Crabbe ng 21 markers sa first half at tinulungan ang Portland (12-20) na tapusin ang kanilang five-game losing skid.

Nag-ambag si C.J. Mc­Collum ng 16 points para sa Trail Blazers, samantalang kumolekta si Mason Plumlee ng 11 points at 14 rebounds.

Naimintis ni James ang una niyang apat na ti­ra at umiskor lamang ng 6 points sa halftime at tuluyan nang ipinahinga sa fourth quarter.

Sa Dallas, naglista si guard J.J. Barea ng career-high na pitong 3-pointers at tumapos na may 26 points para tulungan ang Mave-ricks sa 118-111 panalo laban sa Chicago Bulls.

ACIRC

ALLEN CRABBE

ANG

CARL LAN

CHICAGO BULLS

CHRISTMAS EVE

CLEVELAND CAVALIERS

ERIC BLEDSOE

ISAIAH CANAAN

POINTS

TRAIL BLAZERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with