Buhay na buhay ang mga karerista
MANILA, Philippines – Maganda naman ang ayos ng line-up ng walong karera ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park bagama’t may mga lutang na kabayo sa ilang karera.
Sa winner take all ay ang Magdapio na sasakyan ni Dan Camañero ang siyang angat ayon na rin sa mga racing experts.
Malakas na nasegundo kasi ito sa nakaraang takbo niya sa Splash Of Class.
Ang Cat’s Delight na isang de-bokang kabayo ang siya namang lutang ayon sa mga eksperto sa ikalawa na handicap race-2. Si Cristopher Garganta ang sasakay at ang inaasahang mahigpit niyang kalaban ay si Sweet Julliane.
Sa ikatlong karera ang masasabing tila isang mini-stakes race. Narito kasi ang mas mataas na grupo.
Pero bilib ang ating mga tiyempistas sa Heart Of A Bull na si Camañero ulit ang patong.
Maganda ang huling panalo nito kaya siya pa rin ang magiging paborito sa kanyang mga kalaban na Pag Ukol Bubukol, Calabar Zone, Pasensyosa at Dixie Indy na napipisil ng mga clockers.
Ang Real Flames na rerendahan ni Rodeo G. Fernandez ang siya namang napipisil ng mga tipsters sa ikaapat na karera.
Magaling kasi ang pagkakapanalo nito sa nakaraang takbo niya. Ang tinitingnan na medyo dehado pa at puwedeng manalo ay ang He He He na si J.V. Ponce ang gagabay.
Ang huling ipinalalagay na angat ay ang Providence mula sa kuwadra nina F.P. Maristela at naiku-kundisyon ni J.J. Roxas. Siya ay igigiya ni J.D. Juco at ang tinitingnan na mahigpit niyang makakalaban ay sina Heiress Of Hope at Red Cloud. (JM)
- Latest