^

PM Sports

Broner kasama na sa pagpipilian ni Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isinama sa listahan ng pagpipilian ni Manny Pacquiao ng kanyang susunod na kalaban si Ame-rican Adrien Broner, ang kasalukuyang WBA light-welterweight champion.

Sinabi ng 26-gulang na si Broner na tinawagan siya ng adviser ni Pacquiao na si Mike Koncz.

“I hear they want me to fight Pacquiao next. Michael Koncz actually called me. We’re waiting to hear from him...I love fighting southpaws, man,” sabi ni Broner sa FightHype.com.

Kung siya ang mapipili laban kina Tim Bradley at Terence Crawford, ang 5-foot-7 na si  Broner ay nangako ng magandang laban.

“It’ll be a hell of a fight -- young rising star against an elite Hall of Famer going out,” aniya.

Hindi nagmamadali si Pacquiao, nagdiwang ng kanyang ika- 37 kaarawan noong Dec. 17, sa pagpili ng kanyang kalaban sa Abril 9 na gagawin sa Las Vegas.

Tumatakbo si Pacquiao bilang senador para sa May 11, 2016 Philippine elections at kung mana-nalo ay kailangan niyang igugol ang oras sa paglilingkod sa mga kababayan.

Hindi na kasali sa pagpipilian si Amir Khan, dati niyang training partner.

Ayon kay Bob Arum, ang matagal na pagpili ni Pacquiao ay nakakapanibago ngunit sinabi ni Koncz na hindi kailangang magmadali.

“We will make the announcement when we’re ready,” ani Koncz.

ACIRC

ADRIEN BRONER

AMIR KHAN

BOB ARUM

BRONER

HALL OF FAMER

KONCZ

LAS VEGAS

MICHAEL KONCZ

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with