^

PM Sports

Irving kumamada para sa Cavs

Pang-masa

CLEVELAND -- Kumamada si point guard Kyrie Irving ng 12 points sa loob ng 17 minuto sa kanyang season debut habang umiskor si LeBron James ng 23 para pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa 108-86 paggupo sa Phi-ladelphia 76ers.

Ito ang ika-10 sunod na kamalasan ng 76ers para sa kanilang 1-28 record.

Napanood namang muli si Irving sa unang pagkakataon makaraang mabalian ng left kneecap sa Game 1 ng nakaraang NBA Finals laban sa nagkampeong Golden State Warriors.

Bagama’t hindi nag-laro si Irving ay nailista pa rin ng Cavs ang 17-7 start.

Subalit mas kumpleto ngayon ang Cleveland dahil sa pagbabalik ng All-Star point guard.

Nagsalpak si Matthew Dellavedova ng apat na 3-pointers upang tumapos na may 20 points para sa Cavs na may 12-1 record sa kanilang home games at nagnanais na bawian ang Warriors sa Christmas Day.

Kumolekta naman si Nerlens Noel ng 15 points at 12 rebounds sa panig ng Sixers, may 0-17 marka sa kanilang mga road games.

Sa Miami, tumipa si Chris Bosh ng 29 points, samantalang nagdagdag si Hassan Whiteside ng 22 points at 11 rebounds para tulungan ang Heat sa 116-109 panalo laban sa Portland Trail Blazers.

Nag-ambag naman si Dwyane Wade ng 18 points at 7 assists para sa Heat na nakabangon buhat sa 12-point deficit sa Trail Blazers.

Sa Orlando, Florida -- Umiskor si Kyle Korver ng 13 sa kanyang 19 points sa fourth quarter at naghabol ang Atlanta upang igupo ang Orlando, 103-100.

Nagtala si Korver ng 3-pointers sa  final period  habang nagdagdag si Mike Scott ng 15 points. nagposte naman sina Al Horford at Jeff Teague ng tig-14 sa ikatlong sunod na panalo ng Atlanta.

 

AL HORFORD

ANG

CHRIS BOSH

CHRISTMAS DAY

CLEVELAND CAVALIERS

DWYANE WADE

GOLDEN STATE WARRIORS

HASSAN WHITESIDE

IRVING

JEFF TEAGUE

POINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->