^

PM Sports

Blackwater sa quarterfinals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Mas naipakita ng Blackwater ang kanilang determinasyong angkinin ang pang-10 at huling sil-ya sa quarterfinal round kaysa sa Mahindra.

Nagtayo ang Elite ng malaking 20-point lead sa third period para pabagsakin ang Enforcers, 108-99, patungo sa kanilang kauna-unahang playoff appearance sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“This is our first playoffs appearance so this will be a new experience for us,” sabi ni coach Leo Isaac sa Blackwater.

Sa pagiging No. 10 team ay lalabanan ng Elite ang No. 3 Rain or Shine Elasto Painters.

Ang No. 1 Alaska at No. 2 San Miguel ang ku­muha sa dalawang out­right semifinals berth.

Sa tournament format, ang No. 3, 4, 5 at 6 squads ay makakakuha ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

Nagsalpak si Reil Cervantes ng apat sa kanyang anim na three-pointers sa fourth period, ngunit si veteran guard Mike Cortez ang tumipa ng mas mahahalagang puntos para sa Blackwater.

Tumapos si Cortez na may game-high na 30 markers, samantalang nag-ambag si Bam Bam Gamalinda ng 16 points.

Sa ikalawang laro, inangkin ng Ginebra ang No. 4 berth nang gibain ang Talk ‘N Text, 91-84.

Humakot si Greg Slaughter ng 27 points at 14 rebounds para sa Gin Kings, kinuha ang 18-point lead bago nakadikit ang Tro­pang Texters sa 81-85.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG NO

BAM BAM GAMALINDA

GIN KINGS

GREG SLAUGHTER

LEO ISAAC

MALL OF ASIA ARENA

MIKE CORTEZ

N TEXT

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with