UAAP juniors football matches kinansela
MANILA, Philippines – Bunga ng walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa paligid ng Moro Lorenzo Football Field ay napilitan ang UAAP na kanselahin ang mga juniors football matches kahapon.
Lalabanan sana ng nagdedepensang Far Eastern University-Diliman ang Ateneo De Manila University at sasagupain ng De La Salle-Zobel ang University of Santo Tomas na siyang pinakahuling araw sa first round.
Kasalukuyang nasa unahan ang Baby Tamaraws sa kanilang 6 points, habang may magkakatulad na 3 points ang Junior Archers at Blue Eaglets kasunod ang wala pang panalong Tiger Cubs.
Dahil sa kanselasyon ay inilipat ang mga laro sa Enero 16, 2016 sa Katipunan venue.
Pakakawalan namang muli ang second round ng juniors basketball tournament sa Enero 9 sa Filoil Flying V Arena.
- Latest