^

PM Sports

‘Chaotic system’ gagamitin ni Ayo sa Green Archers

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung naging mabisa ang kanyang paggamit ng ‘chaotic system’ sa paghahari ng Letran Knights sa 91st NCAA season, ito rin ang ipapatupad ni coach Aldin Ayo sa kanyang pag­lipat sa De La Salle Green Archers sa 79th UA­AP season sa susunod na taon.

Ang naturang sistema ay nagpapakita sa full court press ng Knights para makapuwersa ng turn­over sa kanilang kala­ban.

“I’ll be using the same system, different materials and if you compare Letran to La Salle, they have different strengths eh,” wi­ka ni Ayo sa panayam ng “The Daily Serve” sa ANC.

Matapos ihatid ang Knights sa kampeonato ng nakaraang NCAA season ay lumipat si Ayo sa kampo ng Green Archers para palitan si Juno Sauler, nagretiro matapos mabi­gong igiya ang La Salle sa Final Four ng Season 78 tournament.

Naniniwala si Ayo na mas katatakutan ang Green Archers sa 79th UAAP kapag na­gamay ang kanyang sis­tema.

“La Salle, with the offensive firepower that they have, if they play de­fense same as we did in Letran, I’m very optimistic this coming season,” wika ni Ayo.

Nakasama na ni Ayo ang ilang La Salle players sa kanyang ipinatawag na ensayo.

“Although hindi naman kumpleto kasi ‘yung mga Fil-Ams they left early for the Christmas va­cation, pero ‘yung mga lo­cals na nandoon they res­ponded well, they are very cooperative,” wika ni Ayo.

Umaasa si Ayo na madadala niya ang Green Archers sa Final Four.

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

AYO

DAILY SERVE

DE LA SALLE GREEN ARCHERS

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

JUNO SAULER

LA SALLE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with