^

PM Sports

Texters puntirya ang‘twice-to-beat’ bonus

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa pagpaparada ng Talk ‘N Text kina No. 1 at No. 1 overall picks Moala Tautuaa at Troy Rosario ay inaasahan silang makakahanay ng nag­dedepensang San Mi­guel.

Ngunit sa kasalukuyan ay kinakailangan nilang ma­nalo laban sa rumarat­sadang Globalport para ma­kamit ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarter­finals.

Hangad na makaba­ngon sa kabiguan, sasagupain ng Tropang Texters ang Batang Pier ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang laro ng Star Hotshots at Blackwater Elite sa alas-7 ng gabi sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nanggaling ang Talk ‘N Text sa 84-97 pagka­talo sa San Miguel sa ka­nilang huling laro, habang sumasakay ang Globalport sa kanilang four-game winning streak.

Bukod kina Tautuaa at Rosario, sasandal din ang Tropang Texters kina Jayson Castro, Kelly Williams, Ryan Reyes, Matt Ganuelas-Rosser at Harvey Carey katapat sina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Jay Washington, Joseph Yeo, Doug Kra­mer at Billy Mamaril ng Batang Pier.

Huling biniktima ng Globalport ay ang Mahindra na kanilang tinakasan sa overtime, 118-116, para angkinin ang ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals noong Disyembre 12.

“Going to the playoffs kailangan matibay ‘yung team. Ipinakita lang nila na ready na sila for the playoffs,” sabi ni coach Pi­do Jarencio sa kanyang Batang Pier.

Sa ikalawang laro, pu­puntiryahin naman ng Star na talunin ang Blackwater para sikwatin ang No. 9 ticket sa quarterfinals.

Nakalasap ang Hotshots ng 83-101 kabiguan sa Barako Bull Energy no­ong Disyembre 13.

Tinalo naman ng Elite,  ang Energy, 116-92, no­ong Dis­­yembre 11 na ti­nam­pukan ng 38-points ni dating Barako Bull guard Carlo Lastimosa.

 

ACIRC

ANG

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BATANG PIER

BILLY MAMARIL

BLACKWATER ELITE

GLOBALPORT

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with