^

PM Sports

Bucks pinutol ang streak ng Warriors

Pang-masa

MILWAUKEE – Tapos na ang winning streak para sa nagdedepensang Golden State Warriors.

Nagwakas ang kanilang NBA-record start sa 24 wins matapos talunin ng Milwaukee Bucks, 108-95.

Napigilan na rin ang 28-game winning streak ng Golden State, kasama rito ang huling apat nilang ratsada sa nakaraang season.

Mananatili ang pina-kamahabang winning streak sa NBA na 33 ng Los Angeles Lakers na kanilang naiposte noong 1971-72 na tinapos din ng Bucks.

Umiskor si Greg Monroe ng 28 points para sa Bucks upang talunin ang defending NBA champs.

Sinasabing masyado nang pagod ang Warriors (24-1) mula sa nalampa-sang double overtime win laban sa Celtics noong Biyernes na nagresulta sa kanilang 6-of-26 shooting sa 3-point range.

Nauna nang nagtatala ang Golden State ng 13 triples sa bawat laro.

Sa Atlanta, tumipa si Kawhi Leonard ng 22 points at nilimitahan ng San Antonio Spurs ang Hawks sa 25 first-half points para kunin ang 103-78 panalo.

Lumamang ang Spurs sa halftime, 47-25 kung saan nila nilimitahan ang Hawks sa 13 points sa first quarter at 12 points sa second period na siyang pinakamababang naiskor ng anumang NBA team sa first half ngayong season, ayon sa STATS.

Nakaiskor lamang ang Houston ng 26 second-half points noong Nov. 1 laban sa Miami.

Nagdagdag si Manu Ginobili ng 17 points kasunod ang 13 ni LaMarcus Aldridge para sa ika-anim na panalo ng San Antonio sa kanilang huling pitong laro.

Pinamunuan ni Paul Millsap ang Atlanta sa kanyang 22 points, kasama rito ang 17 sa third quarter.

Humakot sina Blake Griffin at J.J. Redick ng tig-21 points para tapusin ng Los Angeles Clippers ang kanilang seven-game, two-state road losing skid matapos talunin ang Brooklyn Nets, 105-100.

ANG

BLAKE GRIFFIN

BROOKLYN NETS

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

GREG MONROE

KAWHI LEONARD

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

MANU GINOBILI

POINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with