Pacquiao ibinitin ang kanyang desisyon
MANILA, Philippines – Hindi pa handa si Manny Pacquiao na pangalanan ang kanyang magiging pinakahuling kalaban.
Ito ang sinabi ni Fred Sternburg, ang spokesman ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
“I was asked to tell you on Bob’s behalf that, unfortunately, Top Rank will not have an announcement on truTV as originally planned as Manny is not ready to make a decision on his opponent yet,” wika ni Sternburg.
Nauna nang inihayag ni Arum na gagawin ang announcement ni Pacquiao sa championship fight nina Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Cesar Juarez sa Puerto Rico kahapon.
Ngunit walang nangyaring pahayag si Arum.
Si Timothy Bradley, Jr., ang kasalukuyang World Boxing Organization welterweight king, ang tumayong analyst sa naturang Donaire-Juarez fight.
Sinabi ni Bradley kamakalawa na mas gusto niyang labanan si Puerto Rican star Miguel Cotto kesa gawin ang ‘trilogy’ nila ni Pacquiao.
Sinabi ni Arum na naipadala na niya kay Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) ang mga fight tapes nina Bradley (33-1-1, 13 KOs), light welterweight titlist Terence Crawford (27-0-0, 19 KOs) at Amir Khan (31-3-0, 19 KOs) na mas piniling hamunin si IBF titlist Kell Brook.
Unang tinalo ni Bradley si Pacquiao sa pamamagitan ng kontrobersyal na split decision noong 2012 bago siya niresbakan ni ‘Pacman’ sa kanilang rematch noong 2014.
- Latest