^

PM Sports

Tagumpay ng FEU sa UAAP basketball pahabol na regalo kay coach Nash

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinagdiwang ni Far Eastern University coach Nash Racela ang kanyang ika-44 kaarawan noong Nobyembre 30 ang petsa ng National Heroes Day kung saan hinugot ang kanyang palayaw.

Matapos ang dalawang araw ay magkakasunod na text messages ang natanggap ni Racela mula sa kanyang mga players na nangakong ibibigay ang regalo sa kanya noong Miyerkules.

Tinupad naman nila ang kanilang pangako.

Sa gitna ng post game interview matapos kunin ng Tamaraws ang 67-62 panalo laban sa University of Sto. Tomas Tigers sa Game Three para sikwatin ang korona ng 78th UAAP men’s basketball tournament ay binuhusan si Racela ng malamig na tubig ng kanyang mga players.

“This is a good gift from my players. That’s something that they guaranteed,” wika ni Racela. “They delivered and I’m really thankful.”

Tinapos ng FEU, nakamit ang kanilang kabuuang ika-20 titulo, ang best-of-three championship series nila ng UST sa 2-1.

Inangkin ng Tamaraws ang Game One, 75-64  noong nakaraang Miyerkules bago inagaw ng Tigers ang 62-56 panalo sa Game Two noong Sabado para itabla sa 1-1 ang kanilang serye at itulak ang Game Three.

Huling nagkampeon ang Morayta-based team noong 2005 sa pangunguna ni Arwind Santos.

Lubos na pinahalagahan ni Racela ang team effort bagama’t pinuri ang paghirang kay Mac Belo bilang UAAP Finals Most Valuable Player.

“I think it’s a collective effort by the team, that’s why he got that. It just so happened that they needed to recognize one guy,” wika ni Racela. “I’m not saying that he’s not deserving – he’s deserving, but I want him to share that with his teammates, up to the last guy.”

Ngunit hindi rin nakalimutan ng relihiyosong si Racela na magpasalamat sa Panginoong Diyos.

“My initial reaction was just to be thankful to the Lord, kasi it was a hard game,” ani Racela. “What makes this team special is the relationship that we have with each other. Medyo cliché, but it’s a family.”

Aminado si Racela na mahihirapan silang idepensa ang korona sa susunod na 79th UAAP season dahil sa pagkawala nina Belo, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Achie Iñigo at Alfrancis Tamsi.

ACHIE I

ACIRC

ALFRANCIS TAMSI

ANG

ARWIND SANTOS

ATILDE

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINALS MOST VALUABLE PLAYER

GAME ONE

GAME THREE

RACELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with