^

PM Sports

Wala pa ring talo ang Warriors

Pang-masa

SALT LAKE CITY – Naglista si Stephen Curry ng 26 points at idiniretso ng nagdedepensang Golden State Warriors ang kanilang NBA-record sa ika-19-0 start sa season sa pamamagitan ng 106-103 paglusot sa Utah Jazz.

Nagtabla ang laro sa 101-101 sa huling 51 segundo, nagsalpak si Curry ng isang 3-pointer para ibigay sa Warriors ang 104-101 abante kasunod ang basket ni Rodney Hood sa natitirang 14 segundo na muling nagdikit sa Jazz sa 103-104.

Matapos ang mintis na tres ni Curry ay nagkaroon ang Jazz ng pagkakataong agawin ang bentahe at ang panalo.

Subalit pumaltos ang tres ni Hood sa nalalabing 5 segundo.

Kumonekta si Curry ng dalawang free throws para sa 106-103 bentahe ng Golden State kasunod ang kapos na tangka ni Utah forward Gordon Hayward sa half court sa pagtunog ng final buzzer.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 20 points para sa Warriors na tinampukan ng apat na tres.

Pinangunahan naman ni Hayward ang Jazz sa kanyang 24 points.

Ibinigay ni Derrick Favors sa Utah ang 99-97 kalamangan mula sa kanyang three-point play bago ang tres ni Curry.

Naipanalo ng Warriors ang kanilang 23 sunod na regular-season games simula noong nakaraang season.

Sa Atlanta, nagtala si Paul Millsap ng 26 points at nagsalpak si Jeff Teague ng mahahalagang puntos para tulungan ang Hawks sa 106-100 panalo laban sa Oklahoma City na tumapos sa four-game winning streak ng Thunder.

Kumolekta si Russell Westbrook ng 34 points, kasama ang isang drive sa huling 2:49 minuto ng laro na nagbigay sa Thunder ng una nilang kalamangan.

Ibinigay ni Westbrook sa Oklahoma City ang isang four-point lead hanggang kontrolin ni Teague ang laro para sa Atlanta.

Tumapos siya na may 25 points, habang humakot si Al Horford ng 21 points at 13 rebounds.

Sa Chicago, kumolekta si Pau Gasol ng 18 points, 13 rebounds at 3 blocked shots at tinapos ng Bulls ang five-game winning streak sa pamamagitan ng kanilang 92-89 panalo.

Umiskor si Jimmy Butler ng 14 points habang may 12 si reserve Doug McDermott para sa Chicago at nagdagdag si Joakim Noah ng 8 points, 7 assists at 11 rebounds.

vuukle comment

AL HORFORD

ANG

DERRICK FAVORS

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

GORDON HAYWARD

IBINIGAY

JEFF TEAGUE

JIMMY BUTLER

OKLAHOMA CITY

POINTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with