Gusto nang tapusin ngayon ng Foton ang Petron
MANILA, Philippines – Sisikapin ng Foton na wakasan ang dominasyon ng Petron sa Philippine Superliga ngayon sa kanilang tangkang sweep sa best-of-three PSL Grand Prix championship series.
Ang opening serve sa Cuneta Astrodome ay alas-4: ng hapon kung saan umaasa ang Tornadoes na makuha ang kanilang unang titulo sa prestihiyosong inter-club tournament ng Asics na suportado ng Milo kasama ang Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical partners at TV5 as official broadcaster.
Sa pangunguna ng mga American imports na sina Lindsay Stalzer at Katie Messing kasama sina national team mainstay Jaja Santiago, mahina ang naging si-mula ng Tornadoes bago humataw sa second round para makuha ang karapatang hamunin ang Philips Gold sa do-or-die semifinals.
Ginulantang ng Tornadoes ang Lady Slammers sa klasikong five-set duel upang umusad sa finals laban sa Blaze Spikers na kinilalang pinakamalakas na team dahil sa kanilang mahuhusay na players at dahil sa kanilang winning experience.
Sa finals lalong lumakas ang Foton na sumandal sa kanilang mahigpit na net defense, magandang reception at malalakas na atake para sa 14-25, 25-21, 25-19, 25-22 panalo sa Game 1.
Sa likod ng kanilang impresibong panalo, sinabi ni Foton coach Villet Ponce-de Leon na hindi sila magpapabaya.
“The job is not yet done. We’re not yet ready to relax,” sabi ni Ponce-de Leon na na-ging coach ng Blaze Spikers noong nagsisimula pa lamang sila sa liga. “We’re just one win away. If we need to double our effort in Game 2, we will gladly do it. What we have is a magical season. We were down at the start, but we regrouped and overcame all the obstacles. We just have to keep on working because fairy tales do come true.”
Hindi pa naman sumusuko ang Petron.
Sa katunayan, sinabi ni Petron coach George Pascua na gagamit pa rin sila ng parehong game plan.
“Same pa din ang plano, we just have to lessen our unforced errors and those small things that doomed our chances in Game 1,” sabi ni Pascua na muling sasandal kina Dindin Manabat, Aby Maraño, Ces Molina, Rachel Anne Daquis at Brazilian import Rupia Inck kasama si Erika Adachi na kanilang lider.
- Latest