Warriors dumiretso sa ika-17 panalo
PHOENIX — Sa patuloy na arangkada ng nagdedepensang Golden State ay wala ring makakapantay sa intensidad ng mga Warriors.
Umiskor si Stephen Curry ng 41 points sa tatlong quarters, habang humakot si Draymond Green ng triple-double at tinalo ng Warriors ang Phoenix Suns, 135-116, para sa kanilang NBA-record start na 17-0.
“We have an edge,’’ sabi ni Curry. “We love the feeling of winning and our confidence is high right now. That’s the only thing that motivates us.’’
Nagtala rin ang Warriors ng isang franchise mark para sa 3-pointers sa isinalpak na 22, isang agwat lamang ang kulang para sa league record na 23 ng Orlando Magic noong 2009, mula sa 38 attempts.
“I know we shoot a lot of 3s,’’ sabi ni Golden State interim coach Luke Walton. “They start blending together after a while. But that’s the type of game it turned into. We would like to still get the ball inside and move it side to side.’’
Umiskor si Curry ng season-high na siyam sa kanyang 16 attempts sa long range para sa kanyang ika-14 career na 40-point game kung saan ang lima rito ay ngayong season.
Tumapos naman si Green na may 14 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang pangatlong career triple-double, ang dalawa ay ngayong season para sa Golden State.
Nagdagdag si Leandro Barbos ng 21 points na tinampukan ng 5-of-5 shooting sa 3-point range, habang may 15 markers naman si Klay Thompson.
Itinala ng Warriors, nasa kanilang highest-scoring game sa season, ang isa pang NBA mark.
Ito ay matapos silang kumonekta ng 15 3-pointers mula sa 20 attempts sa first half.
- Latest