^

PM Sports

Cotto pinakitaan ni Alvarez

Pang-masa

LAS VEGAS – Si Miguel Cotto ang isa sa pinakamahusay na fighters sa buong mundo sa nakaraang isa at kalahating dekada, habang ipinapakita pa lamang ni Canelo Alvarez ang kanyang talento.

Sa harap ng mga fans sa Mandalay Bay Events Center, tinalo ni Alvarez si Cotto para kunin ang linear middleweight championship para sa posibleng championship fight nila ni Gennady Golovkin.

“I’ll fight him right now,” sabi ni Alvarez kay Golovkin, ang kasalukuyang WBA, IBF at interim WBC champion.

Tinanggal ng WBC kay Cotto ang middleweight title nito makaraang tumangging bayaran ang $300,000 sanctioning fee para sa upakan nila ni Alvarez.

Dinomina ng 23-anyos na si Alvarez ang 34-anyos na si Cotto via unanimous decision, 119-109, 118-110 at 117-111.

Nakapagtala si Cotto ng 629 punches kumpara sa 48 ni Alvarez.

Ngunit mas malalakas ang mga pinakawalang right hands, uppercuts at hooks ni Alvarez laban kay Cotto.

Sa CompuBox statistics ay naglista si Alvarez ng 118 sa kanyang 298 power shots, habang may 75-of-255 si Cotto.

Handa naman si Golovkin na laba-nan si Alvarez para sa kanilang champonship fight.

“I’m ready for this, me and Canelo,” sabi ni Golovkin kay Alvarez. “Let’s do it.”

ACIRC

ALVAREZ

ANG

CANELO ALVAREZ

COTTO

DINOMINA

GENNADY GOLOVKIN

GOLOVKIN

HANDA

MANDALAY BAY EVENTS CENTER

SI MIGUEL COTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with