Lady Eagles tinakasan ang Lady Warriors
MANILA, Philippines – Tinalo ng Ateneo ang University of the East, 65-62, para umabante sa ikalawang step-ladder semifinals ng 78th UAAP women’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Naipanalo ang kanilang ikalawang do-or-die game, lalabanan ng Lady Eagles ang karibal na La Salle Lady Archers na may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa pangalawang step-ladder semis sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.
Umiskor si Danica Jose ng dalawang free throws sa huling 5.3 segundo para sa panalo ng Lady Eagles.
Ang semifinals survivor ang maghahamon sa nagdedepensang National University sa title series.
Tangan ng Lady Bulldogs, nagtala ng 30-0 rcord simula noong nakaraang season, ng ‘thrice-to-beat’ advantage sa UAAP Finals.
Naglista si Jose, anak ni dating PBA shooter Bobby Jose, ng 17 points, 8 rebounds at 4 assists, habang humugot si Hazelle Yam ng 13 sa kanyang 17 points sa first half para sa panalo ng Ateneo.
ATENEO 65 – Jose 17, Yam 17, Guytingco 10, Tomita 10, Go 7, Buendia 2, Nitorreda 2, Aseron 0, Deacon 0, Javier 0, Lamar 0.
UE 62 – Tacula 17, Sto. Domingo 16, Ano-os 11, Mendina 8, Chan 7, Taguiam 3, Francisco 0, Ramos 0, Sampaga 0.
Quarterscores: 21-16; 35-29; 53-50; 65-62.
- Latest