^

PM Sports

Finals showdown itatakda ng Petron at Philips Gold?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sila ang inaasahang mag­tatapat sa best-of-three championship series.

Ngunit para mangya­ri ito ay kailangan munang talunin ng Philips Gold ang Foton at sibakin ng nagdedepensang Petron ang Cignal sa ‘do-or-die’ semifinal round ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament.

Sasagupain ng Lady Slammers ang Tornadoes ngayong alas-4 ng hapon, habang magtutuos ang Blaze Spikers at ang HD Spikers sa alas-6 ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Tinapos ng Philips Gold ang double-round eli­mination bitbit ang 8-2 record sa torneong inihahatid ng Asics ka­tuwang ang Milo, Se­noh, Mueller at Mikasa bilang technical partners at ang TV5 bilang official broadcaster.

Ang isa sa dalawa ni­lang kabiguan ay ga­ling sa Tornadoes na umiskor ng 25-14, 25-22, 18-25, 25-18 panalo sa second round noong Nov. 5.

Kaya naman hindi nag­kukumpiyansa si Phi­­lips Gold coach Fran­­cis Vicente laban sa Fo­­ton.

“We can’t say that we’re the underdogs be­cause we topped the eli­minations. At the same time, we can’t say that they are the underdogs because they beat us in the second round,” ani Vicente. “I think this is going to be a very exci­ting encounter.”

Sina American imports Bojana Todorovic at Alexis Olgard katuwang si star spiker Myla Pablo ang muling iba­ban­dera ng Lady Slammers, habang ang tatlong six-footers na sina imports Katie Messing, Lindsay Stalzer at Jaja Santiago ang sasandigan ng Tornadoes.

Maliban kina Todorovic, Olgard at Pablo ay aasahan din ng Phi­lips Gold sina Michelle Gumabao, Mel Gohing at Desiree Dadang.

Sa ikalawang laro, gus­to naman ng Blaze Spi­kers, nagreyna sa Grand Prix at kumata­wan sa bansa sa nakaraang AVC Asian Wo­­men’s Club Cham­pion­ship noong Setyem­bre, na muling biguin ang HD Spikers.

Tinalo ng Petron ang Cignal, pamumunuang muli ni­na reinforcements Ariel Usher at Amanda An­derson, 18-25, 17-25, 25-16, 25-18, 16-14, noong Oct. 10.

“Cignal knows what it takes to win big games,” sabi ni Blaze Spi­kers’ mentor coach George Pascua na mu­ling sasandig kina Bra­zi­lians Rupia Inck at Eri­ca Adachi bukod pa kina local hitters Dindin Manabat, Aby Maraño, Rachel Anne Daquis, Mai­ca Morada at Ces Mo­lina.

ABY MARA

ACIRC

ALEXIS OLGARD

AMANDA AN

ANG

BLAZE SPI

CIGNAL

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

PHILIPS GOLD

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with