^

PM Sports

Philippine wushu team may misyon sa Jakarta World Championships

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dugtungan ang magandang marka na ginagawa ng Pilipinas sa mga nakaraang World Wushu Championships ang balak gawin ng ipinadalang pambansang delegasyon  sa 13th edisyon sa Istora Senayan Jakarta, Indonesia.

Pitong kalahok sa taolu at walo sa sanda ang ilalaban ng Wushu Federation Philippines (WFP) sa prestihiyosong kompetisyon na ginagawa tuwing dalawang taon at kahit may mga bagong mukha ay handa ang mga ito at palaban sa gintong medalya.

“Of course we want to win as many as we can. But  most of our athletes now are young and new. But we can make some surprises and we are looking at least one gold,” wika ni Wushu Federation Philippines (WFP) secretary-general Julian Camacho.

Ang mga atleta sa taolu (form) ay sina dating Asian Junior champion Alieson Ken Omengan, Thornton Quieney Lou Sayan, Spencer Bahod, Norlence Ardee Catolico, Johnzenth Gajo, Kariza Kris Chan at Agatha Chrystenzen Wong.

Sina Noel Alabata Arnel Mandal, Francisco Solis, Jean Claude Saclag, Clemente Tabugara Jr., Divine Wally, Hergie Bacyadan at Jessie Aligaga ang magdadala sa sanda (sparring).

Sina Aligaga at Saclag ang mga nalalabing manlalaro na sumali sa 2013 World Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia at sila ay magtatangkang higitan ang pilak at bronze medal na nakuha sa kompetisyon.

Maliban sa 2009 edisyon sa Canada na hindi sinalihan ng Pilipinas, ang mga panlaban ay hindi nawawalan ng gintong medalya mula 2003.

Umalis ang delegasyon noong Huwebes habang ang kompetisyon ay magsisimula ngayon.

AGATHA CHRYSTENZEN WONG

ALIESON KEN OMENGAN

ANG

ASIAN JUNIOR

CLEMENTE TABUGARA JR.

DIVINE WALLY

FRANCISCO SOLIS

HERGIE BACYADAN

ISTORA SENAYAN JAKARTA

JEAN CLAUDE SACLAG

WUSHU FEDERATION PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with