La Salle nagdomina sa table tennis
MANILA, Philippines - Pumaimbulog ang galing ng La Salle sa 78th UAAP table tennis tournament nang walisin ang apat na titulo na pinaglabanan sa seniors at juniors divisions.
Pinagharian ng Archers ang men’s division sa ikatlong sunod na taon nang walisin ang UST Tigers sa kanilang best-of-three series.
Hindi naman nagpahuli ang Lady Archers na ibinandera ng national player na si Ian Larriba nang kumpletuhin ang 16-0 sweep sa women’s division.
Bitbit ang ‘thrice-to-beat’ advantage, kumuha ang Lady Archers ng 3-0 at 3-1 panalo laban sa FEU Lady Tamaraws.
Wala ring nakasabay sa galing ng mga junior athletes ng La Salle matapos magdomina sa high school division.
Dinaig ng Junior Archers ang National University Bullpups habang ang Junior Lady Archers ay namayani sa UE Junior Warriors ng girls’ table tennis sa liga.
- Latest