^

PM Sports

LGU’s dapat mas maging involve sa sports - Poe

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senator Grace Poe kahapon ang mga local government leaders na tumulong sa sports sector para tumukoy ng mga potential ta-lents na magiging sports heroes ng ating bansa.

Dahil iisa pa lamang ang atletang nakasiguro ng slot sa  Olympics sa Rio de Janeiro sa Brazil sa susunod na taon, naisip ni Poe na makakatulong ang mga LGU sa hangarin ng Pinas na makakita ng isang Pinoy na gold medalist.

Sa ngayon, tanging si Filipino-American Eric Shauwn Cray pa lang ang pasok sa athletics event ng Olympics ngunit marami pang Pinoy athletes ang sasali sa mga Olympic qualifying tournaments.

“Our country is made up of a hundred million people. To have only one Olympian to represent a hundred million Filipinos doesn’t seem right,” sabi ni Poe, isang  taekwondo blackbelter at naging silver medalist sa National Open.

Sinabi ni Poe na ang kasalukuyang government funding para sa elite athletes o ang mga lumalaban sa international tournaments bilang miyembro ng iba’t ibang national teams, ay malayo sa ginagastos ng ibang bansa para sa kanilang sports programs ngunit ang mga local government units ay makakatulong sa grassroots sports development sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga atletang may potensiyal.

“Our youth is our future. Let us invest in them-- their overall well being, including sports development. This should be our collective responsibility. Let us give our young athletes the push and the support they deserve,” sabi ni Poe.

ACIRC

ANG

DAHIL

FILIPINO-AMERICAN ERIC SHAUWN CRAY

HINIKAYAT

MGA

NATIONAL OPEN

PINOY

POE

SENATOR GRACE POE

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with