^

PM Sports

3-araw na aksiyon sa Metro Turf

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pupunuin ng Metro Turf Club ng magagandang labanan ng mahuhusay na pangarerang kabayo ang susunod na tatlong araw dahil sa kanilang pista ito gagawin.

Nasa 32 races ang paglalabanan mula ngayon hanggang Lunes at balanseng binigyan ng handicapping ang mga kasali para matiyak na pantay-pantay ang tsansa na manalo.

Apat na karera ang inilagay bilang MMTCI Special Races na may guaranteed prize ng P125,000.00 bukod sa added prize na P10,000.00 para sa winning horse owner para sa araw na ito.

Mas mainit ang tagisan bukas dahil sa paglarga ng 2015 Philracom 3rd leg Juvenile Fillies at Colts Stakes Races.

Sa ganap na ika-2:30 ng hapon lalarga ang tagisan  para sa mga edad 2-year old fillies na itinalaga bilang race two at at isang oras matapos ito ay ilalarga  ang labanan ng mga colts.

Parehong paglalabanan ang dalawang stakes races sa 1,400-metro distansya na sinahugan ng tig-P1 million at P600,000.00 ang mapupunta sa mananalo.

Ang 11 iba pang karera ay may added prizes sa mananalo para patingkarin ang kompetisyon.

Sa Lunes ay limang special races ang matutunghayan bukod pa sa isang 2-YO Maiden at 3YO and Above Maiden fillies races.

vuukle comment

ABOVE MAIDEN

ANG

APAT

COLTS STAKES RACES

JUVENILE FILLIES

METRO TURF CLUB

PAREHONG

PHILRACOM

PUPUNUIN

SA LUNES

SPECIAL RACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with