^

PM Sports

Masusubukan si Ahanmisi

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang buwan o halos sa kabuuan ng elimination round ay hindi magagamit ng Rain or Shine si combo guard Paul Lee.

Ito ay matapos mabatid ng Elasto Painters na nagkaroon si Lee ng slight meniscal tear sa kanyang kaliwang tuhod.

Sa isang tune up game ay napansin ni Lee na may sumasakit na bahagi sa kanyang kaliwang tuhod, ngunit hindi niya ito pinansin hanggang dumayo ang Rain or Shine sa Bahrain at Kuwait para sa ilan pang tune up games.

May nakabanggaan ng tuhod si Lee sa naturang tune up game na nagresulta ng pamamaga sa kanyang kaliwang tuhod.

Dahil dito ay aasahan ng Rain or Shine ang rookie Fil-Nigerian na si Maverick Ahanmisi para sumalo sa naiwang trabaho ni Lee.

Lalabanan ng Elasto Painters ang Star Hotshots ngayong alas-7 ng gabi matapos ang opening ceremonies sa alas-5 ng hapon sa pagbubukas ng PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ipinagpaliban ang naturang banggaan ng Rain or Shine at Star noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum dahil sa pana-nalasa ng bagyong ‘Lando’.

Dahil magkaiba ang ticketing system ng Smart Araneta Coliseum at ng Mall of Asia Arena ay ire-refund ng PBA ang mga nabiling tiket para sa PBA opener sa Big Dome.

Sa makulay na opening ceremonies ay ipaparada ng mga koponan ang kanilang mga muses na sina Ateneo volleyball star Alyssa Valdez (Talk ‘N Text), La Salle volleyball player Mika Reyes (Barako Bull), Miss Global International 2015 second runner-up Catherine Almirante (Star), Mutya ng Pilipinas 2015 first runner-up Julie Ann Marie Bourgoin (Rain or Shine), Max Collins (Blackwater), Jinkee Pacquiao (Mahindra), ang magkakapatid na triathletes na sina Sam, Tara at Chezka Borlain (Alaska), singer/actress Arci Muñoz (Ginebra), volleyball stars Rachel Anne Daquis at Fil-Am Alexa Micek (San Miguel), artist Karylle (Globalport), Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa (NLEX) at actress Eula Caballero (Meralco).

Kabilang naman sa magpe-perform ay ang award-winning group na El Gamma Penumbra at sina Ogie Alcasid, Abra, Anya Aguilar, Junior New System at Project Pinoy.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANG

ANYA AGUILAR

ARCI MU

BARAKO BULL

BIG DOME

CATHERINE ALMIRANTE

CHEZKA BORLAIN

ELASTO PAINTERS

MALL OF ASIA ARENA

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with