^

PM Sports

Manila North sasalang na sa 3x3 World Tour

Pang-masa

MANILA, Philippines – Haharap ang Manila North team na pangungunahan ni Calvin Abueva sa Kranj ng Slovenia at Doha ng Qatar ngayon sa pagsisimula ng 2015 FIBA 3x3 World Tour sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ang laban kontra sa Slovenians ay alas-1:20 ng hapon (9:20 a.m. sa Manila) at ang laban kontra sa Qataris ay alas-3:10 (12:10 p.m. sa Manila).

Kasama sa Pool A ang Novi Sad ng UAE, Rio ng Brazil at Vilnius ng Li-thuania; nasa Pool B ang Ljubljana ng Slovenia, Santos ng Brazil at Denver ngUnited States; nasa Pool C naman ang Trbovlje ng Slovenia, Kolobrzeg ng Poland at New York Harlem ng USA.

Maghaharap-harap ang mga koponang magkakagrupo kung saan ang top two ay uusad sa do-or-die quarterfinals. Ang  apat na teams sa ilalim ay uusad sa semifinals at ang mga mananalo ay magsasagupa para sa titulo.

Naghari ang Novi Sad noong 2014 World Tour sa Sendai, Japan kung saan tinalo nila ang Saskatoon ng Canada sa finals. Ang Manila West na sumilat sa Doha sa Manila Masters finals ay pang-fifth sa likod ng Kranj at Bucharest.

Kasama ni Abueva sa team sina Aces teammate Vic Manuel na sumama pa rin sa team kahit may naiwang problema, Karl Dehesa ng Mahindra at Talk ‘N Text rookie Troy Rosario.

“Laban lang kami para sa bayan,” sabi ni Abueva bago sila umalis. “Basta kami, ibibigay namin lahat ng makakaya para sa Filipinas.”

Nag-qualify ang Manila North sa world championship matapos mag-runner-up sa Novi Sad Al Wahda sa FIBA Manila Masters leg noong August sa Ro-binson’s Place sa Ermita.

vuukle comment

ABU DHABI

ABUEVA

ANG

ANG MANILA WEST

CALVIN ABUEVA

DOHA

MANILA MASTERS

MANILA NORTH

NOVI SAD

SLOVENIA

WORLD TOUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with