Patrombon, Dalisay umusad sa 2nd round
MANILA, Philippines – Pinatumba nina Filipino-Spaniard Diego Dalisay at Jeson Patrombon ang kanilang mga karibal para umabante sa second round ng 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open ITF Men’s Futures 2 kahapon sa PCA clay courts sa Paco, Manila.
Tinalo ng 16-anyos na si Dalisay si local bet Rolando Ruel, 6-1, 6-4 samantalang umiskor si Patrombon ng 6-3, 6-3 panalo laban kay Japanese Shu Saito.
“Maganda ang kundisyon ko nga-yon kaya confident ako sa loob ng court.
Kabisado ko rin kasi ang laro niya [Saito] kaya alam ko kung saan dadal-hin ‘yung bola,” sabi ng 22-anyos na si Patrombon, umabot lamang sa second round sa nakaraang Manila ITF Men’s Futures 1.
Susunod na lalabanan ng Iligan-born na si Patrombon si Kunal Anand ng India na sumibak kay seventh seed Hiromasa Oku ng Japan, 6-1, 6-4.
Lalabanan naman ni Dalisay, ang ina ay tubong San Nicolas, Batangas, si fourth pick Arata Onozawa ng Japan na pinatalsik si local top-seed Patrick John Tierro, 6-0, 6-2.
Nakapasok din sa second round sina top pick Enrique Lopez-Perez ng Spain at second seed Harry Bourchier ng Australia nang umiskor ng panalo.
Binigo ni Lopez-Perez si Chinese-Taipei bet Lee Kuan-Yi, 6-2, 6-0 at di-naig ni Bourchier si Japanese Masato Shiga, 7-6, 7-5.
- Latest