Sasali ba o hindi?
Nagbabalak sana ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na huwag sumali sa Olympic qualifying tournament sa susunod na taon.
Kasi nga, mabigat ang laban doon.
Isa pa, hirap na rin kasing bumuo ng kompetitibong team. Lalo na’t hindi naman sure kung makikipag-cooperate ang lahat.
Kailangan kasi ng talagang malakas na team ang ilalaban dito dahil tatlong Olympic slots lang ang paglalabanan.
Siguradong magpapalakas ang mga kalaban.
At kung sasali tayo sa torneong ito, kailangan ngayon pa lang ay magbuo na ng team para maagang masimulan ang kanilang training.
Hindi puwede ang two months training lang.
Ang kaso, mahaharap sa kaparusahan ang SBP kung hindi lalahok ang Pinas sa Olympic qualifiers.
Sinabi ni FIBA Communications Director Patrick Koller na maaa-ring magdesisyon ang FIBA na i-sanction ang mga bansang ‘di sasali sa Olympic qualifier.
Dahil dito, kaila-ngang kumilos na nga-yon ng SBP kung kailangan nating sumali sa qualifying tournament ng Rio Olympics na gagawin sa June 5-10, 2016.
- Latest