^

PM Sports

‘Di padadaig ang mga local volleybelles sa mga imports sa PSL Grand Prix

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tiniyak ng mga local players na hindi sila magpapadaig sa mga super imports sa nalalapit na 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na hahataw sa Sabado sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Ito ang ipinaramdam ni Maica Morada, ang team captain ng two-time champion na Petron, kaugnay sa kanilang kahandaan sa pagharap sa mga bigating foreign players.

Nagmula ang Blaze Spikers sa kampanya sa nakaraang 2015 AVC Asian Women’s Club Championship sa Phy Ly, Vietnam kung saan nila napabuti ang kanilang offensive attacks, net at floor defense at matibay na pagsasamahan sa loob at labas ng court.

Nangako si Morada, makakatuwang sina Rachel Anne Daquis, Aby Maraño, Dindin Manabat, Brazilians Rupia Inck at Erica Adachi na gagawin nila ang lahat para mapanatili ang kanilang korona.

“That trip to Vietnam made us realize the degree of difficulty of competing in an international competition,” wika ni Morada, isa sa mga produkto ng Far Eastern University na makikita sa aksyon sa nasabing inter-club women’s volleyball tournament.

“But it made us stronger. It forged our bond and prepared us for the challenges of the PSL. We are now working on more combination plays on offense, improvement of our reception and net defense as well as communication inside the court in preparation for the Grand Prix,” dagdag pa nito.

Kagaya ng Petron, seryoso rin ang Philips Gold at Foton na makamit ang titulo ng torneo.

Sinabi ni Lady Slammers captain Michelle Gumabao na maganda na ang samahan nina local hitters Myla Pablo at Desiree Dadang kina Filipino-American Lindsay Dowd at imports Bojana Todorovic at Alexis Olgard.

Sasandigan naman ng Tornadoes sina imports Lindsay Stalzer at Katie Messing kasama sina Patty Jane Orendain, Angeli Araneta, Fiola Ceballos at 6-foot-4 Jaja Santiago.

“We’re all ready,” wika ni Foton skipper Ivy Remulla. “We have already corrected the mistakes we had in the previous conference and successfully integrated the new faces, especially the imports, in our system. We’re confident that this conference will be different; we’re ready to contend for the crown.”

Ang Cignal ay babanderahan nina veteran Michelle Laborte, April Ross Hingpit at Rizza Mandapat katulong sina Americans Ariel Usher at Amanda Anderson, habang aasahan ng RC Cola-Air Force sina Judy Caballejo, Maika Ortiz at Rhea Dimaculangan at sina imports Lynda Morales at Sarah McClinton.

Ipaparada ng Meralco sina Cha Cruz, Paneng Mercado at ilang players ng UAAP powerhouse De La Salle Lady Spikers katuwang sina Estonian Liis Kullerkann at American Christina Alessi .

Sinabi ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na kahit sinong koponan ay may tsansang makamit ang Grand Prix crown. “What we have is a very balanced and competitive field,” wika ni Suzara.

ABY MARA

ACIRC

ALEXIS OLGARD

ALONTE SPORTS ARENA

AMANDA ANDERSON

AMERICAN CHRISTINA ALESSI

AMERICANS ARIEL USHER

ANG

ANG CIGNAL

GRAND PRIX

SINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with