^

PM Sports

‘Twice-to-beat’ na ang SBC Red Lions

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pang-10 sunod na season ay muling uma­ban­te ang San Beda sa Final Four.

Kumolekta sina Nigerian imports Ola Adeogun at Donald Tankoua at pro-bound Arthur dela Cruz ng pinagsamang 31 points at 34 rebounds para igiya ang five-peat champions na Red Lions sa 77-73 pa­nalo kontra sa Letran Knights at angkinin ang isang silya sa Final Four bit­bit ang ‘twice-to-beat’ incentive sa 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Nag-ambag naman si­na Amiel Soberano at Jay Mocon ng 11 at 9 points, ayon sa pagkakasunod, pa­ra sa ika-13 panalo ng San Beda sa 18 laro.

Mula sa maliit na four-point lead sa first period ay pinalobo ng Red Lions ang kanilang bentahe sa 43-25 sa halftime.

Kumuha naman ang Arellano ng playoff para sa Final Four nang talunin ang sibak nang Emilio Agui­naldo College, 98-90, tampok ang ikaapat na triple-double ni point guard Jio Jalalon sa season.

Tumapos si Jalalon na may 31 points, 10 rebounds at 10 assists para sa ikalawang sunod na panalo ng Chiefs at pang-12 sa kabuuan.

Inamin ni coach Jerry Codiñera na nawala sa fo­cus ang Arellano na nag­hangad ng mala­king winning margin para ma­kakuha ng playoff sa Final Four.

"Parang na-off track ka­mi dun kasi ang hirap hirap manalo, may points pa kaming hinaha­bol, kaya nawala kami sa rhythm,” wika ni Codiñe­ra sa Chiefs na nagtala ng 20-point lead bago na­kalapit ang Generals sa 86-89 agwat sa fourth quarter.

Kinamada ni Jalalon ang huling 13 points para muling ilayo ang Arellano. Nalasap ng EAC ang kanilang pang-10 sunod na kamalasan.

Humugot naman si Da­rell Menina ng 10 sa kanyang 17 points sa fourth period para tulu­ngan ang Mapua Cardinals sa 77-72 panalo kon­tra sa talsik nang St. Be­nilde Blazers. (RC)

SAN BEDA 77- Adeogun 13, Soberano 11, Amer 10, Tankoua 10, Koga 9, Mocon 9, Dela Cruz 8, Tongco 3, Cabanag 2, Sorela 2, Sara 0, Presbiterio 0, Sedillo 0.

Letran 73- Nambatac 16, Cruz 12, Balanza 11, Luib 9, Quinto 8, Apreku 7, Racal 6, Sollano 2, Calvo 2, Publico 0.

Quarterscores: 19-15; 43-25; 61-48; 77-73.

ACIRC

AMIEL SOBERANO

ANG

ARELLANO

ATILDE

CRUZ

DELA CRUZ

FINAL FOUR

RED LIONS

SAN BEDA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with