^

PM Sports

7-0 sweep itinala ng NU cagebelles

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsanib sina Afril Bernardino, Shelly Gupilan at Gemma Miranda sa 40 puntos para paamuin ng NU Lady Bulldogs ang FEU Lady Tamaraws, 86-43 at makumpleto ang 7-0 sweep sa 78th UAAP women’s basketball noong Linggo sa Blue Eagle Gym.

Ito na rin ang ika-23 sunod na panalo matapos walisin ang titulo noong nakaraang taon at kailangan na lamang ng Lady Bulldogs na mapanatili ang nakakatakot na porma sa second round upang agad na ring umabante sa championship round.

Kinapitan pa ng La Salle Lady Archers ang ikalawang puwesto nang ipanalo ang ikaanim na sunod na laro kontra sa UST Tigresses, 67-56.

Unang natalo ang La Salle sa NU para tapusin ang pitong laro sa 6-1 marka habang ang UST ay bumaba sa 4-3 karta at kasalo ang UE Amazons na pinabagsak ang walang panalong UP Lady Maroons sa dikitang 56-51 iskor.

Nanalo rin ang Ateneo Lady Eagles laban sa Adamson Falcons, 49-39 para magsalo ang dalawang koponan sa ikalimang puwesto sa 3-4 karta habang ang Lady Ta-maraws ang nasa ikapitong puwesto sa 1-6 baraha at ang Lady Maroons ang nangungulelat sa 0-7 marka.

 

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

AFRIL BERNARDINO

ANG

ATENEO LADY EAGLES

BLUE EAGLE GYM

GEMMA MIRANDA

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY BULLDOGS

LADY MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with