^

PM Sports

Malaki ang kontribusyon ni Hontiveros sa Gilas

Pang-masa

CHANGSHA – Dismayado si Dondon Hontiveros sa kanyang outside shooting sa halos kabuuan ng torneo bago niya naipakita ang pamatay na porma laban sa Japan.

Si Hontiveros ang naging bida sa 81-70 paggiba ng Gilas Pilipinas sa Japan para umabante sa gold medal round ng FIBA Asia Championship sa ikalawang sunod na pagkakataon.

“Even as a missed my first attempt, I felt good with the shot. I felt something different from the previous games, making me confident I can deliver,” wika ng Ce­buano hotshot.

Nagsalpak si Hontiveros ng 6-of-9 three-pointers para sa pinakamalaking panalo ng Gilas Pilipinas para itakda ang finals match nila ng China kagabi.

Naglista si Hontiveros ng average na 6.9 points bago tumapos na may 18 points laban sa Japanese.

Sa unang paghaharap ng Gilas Pilipinas at Japan sa preliminary round noong nakaraang Lunes ay naglista ang Alaska Milk stalwart ng 2 points mula sa 1-of-2 shooting.

Laban naman sa Lebanon ay walang naiambag na puntos si Hontiveros.

“I really struggled early on that in some matches, I just played hard on defense to be of help to the team,” sabi ni Hontiveros.

Hindi rin maganda ang kanyang shooting sa Estonia trip, sa Jones Cup at maging sa MVP Cup. (NB)

ACIRC

ALASKA MILK

ASIA CHAMPIONSHIP

DISMAYADO

DONDON HONTIVEROS

GILAS PILIPINAS

HONTIVEROS

JONES CUP

LABAN

NAGLISTA

SI HONTIVEROS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with