^

PM Sports

Pacquiao lalaro rin para sa Agilas sa ABL

Pang-masa

MANILA, Philippines - Habang wala pa siyang laban ay plano ni Manny Pacquiao na maglaro para sa Mahindra sa PBA at para sa Pacman-Powerfit Agilas sa Asean Basketball League na nakatakdang magsi-mula sa Oktubre 28.

"Yes, boss will play several games," sabi kahapon ni Agilas coach Bien Orillo sa PSA Forum sa Shakey's Malate kay Pacquiao na kasalukuyang nagpapagaling ng kanyang right shoulder injury.

Kamakailan ay sumabak si Pacquiao sa isang pick-up game na nagpapatunay na naka-recover na siya sa natu-rang injury.

Sinabi ni Orillo na hindi makakalaro si Pacquiao sa pagsagupa ng Agilas sa Saigon Heat sa Oktubre 29 sa Davao at sa Thailand sa Oktubre 31 sa Malaysia.

Ngunit sa Nobyembre 4 ay babandera si Pacquiao para sa Agilas laban sa Saigon sa Ge-neral Santos City.

"He (Pacquiao) will play on Nov. 4 in Gensan, that's 90-percent sure," paniniguro ni Orillo.

Bukod kay Pacquiao, ibabandera din ng Agilas sina dating PBA star Willie Miller at imports Jamal Warren ng Panama at dating University of the East import Charles Mammie ng Sier-ra Leone.

Inaasahan ding makakasama ng tropa sina Jondan Salvador, Val Acuna, Leo Najorda, Carlo Sharma at Nico Elorde, dating Ateneo standout na binitawan ng Mahindra matapos kunin sa nakaraang PBA Draft.

Si ex-pro Zaldy Realubit ang tumatayong coach ng Agilas.

Sinabi ni Orillo na maaaring maglaro si Pacquiao para sa Mahindra at Agilas.

"If he's playing for the Agilas, he will be put in the reserve list of Mahindra and vice versa," sabi ni Orillo.

AGILAS

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BIEN ORILLO

CARLO SHARMA

CHARLES MAMMIE

JAMAL WARREN

JONDAN SALVADOR

MAHINDRA

OKTUBRE

ORILLO

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with