^

PM Sports

NU Bulldogs at Lady Maroons pasok sa semis ng badminton

Pang-masa

MANILA, Philippines – Napanatili ng nagdedependsang kampeong National University Bulldogs at UP Lady Maroons ang kanilang matikas na porma para umabante na sa semifinals sa UAAP badminton na ginagawa sa Rizal Memorial Badminton court.

Winalis ng Bulldogs ang Adamson Falcons, 5-0, bago tinalo ang UE Warriors, 4-1 noong Sabado at Linggo tungo sa 5-0 baraha. Tinapatan ng puma-ngalawa noong nakaraang taon na La Salle Archers ang limang dikit na tagumpay ng Bulldogs  sa 5-0 tagumpay sa UE at 4-1 panalo sa FEU Tamaraws.

Namumuro naman para sa huling dalawang upuan sa Final Four ang Ateneo Eagles at UP Maroons sa magkatulad na 3-2 baraha habang humihinga pa pero namemeligro na ang UST Tigers (2-3), Falcons (1-4) at Warriors (1-4). Pahinga na ang Tamaraws na wala pang panalo sa limang laro.

Limang dikit na panalo at puwesto sa Final Four sa kababaihan ang hawak na ng Lady Maroons nang manaig sila sa Adamson at UE. Namumuro na ang Ateneo at La Salle na samahan ang Lady Maroons sa semis sa magkatulad na 4-1 karta habang nasa mahalagang ikaapat na puwesto ang FEU sa 3-2 marka. (AT)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ANG

ATENEO EAGLES

FINAL FOUR

LA SALLE

LA SALLE ARCHERS

LADY MAROONS

NAMUMURO

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

RIZAL MEMORIAL BADMINTON

TAMARAWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with