Foreign players tututukan sa Superliga Grand Prix
MANILA, Philippines – Muling papagitna ang mga foreign reinforcements sa darating na 2015 Philippine Superliga Grand Prix na papalo sa Oct. 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Nagsimula nang dumating ang mga foreign players para sa prestihiyosong women’s volleyball tournament.
Nasa bansa na sina Ariel Usher ng Cignal, Liis Kullerkann at Christina Alessi ng Meralco at sina Rupia Inck at Erica Adachi ng Petron na tumulong sa Blaze Spikers sa eighth-place finish sa nakaraang AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Phu Ly, Vietnam.
Isang 6-foot-1 stunner mula sa University of Portland, si Usher ay inaasahang magiging lehitimong banta sa open position sa kanyang pakikipagtambal kay middle blocker Amanda Anderson para sa HD Spikers, hinugot sina veterans April Ross Hingpit, Rizza Mandapat at Michelle Laborte sa off-season.
Makakatuwang naman nina Kullerkann at Alessi sa panig ng Meralco ni mentor Ramil de Jesus sina Cha Cruz, Paneng Mercado, Kim Fajardo, Mika Reyes at ilang De La Salle Lady Archers.
Sa lahat ng koponan, ang Petron ang may ma-laking bentahe sa ginagawang paghahanda.
Nagsimulang magsanay ang Blaze Spikers ngayon buwan sa pagsabak sa nakaraang Asian tournament kasama si Inck at sina Aby Maraño, Dindin Manabat, Rachel Anne Daquis, Frances Molina at Adachi.
Matapos dumating noong Martes mula sa Vietnam ay magkakaroon ng five-day break ang Petron bago muling magsanay sa Lunes para sa Grand Prix.
- Latest