Lazaro-Reyes tandem umusad
MANILA, Philippines – Sinimulan nina eight seed Leander Lazaro at Marc Reyes ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 6-2, 6-4 panalo laban kina Paolo Baran and Jeric delos Santos kahapon sa pagsisimula ng doubles division sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event na ginaganap sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.
Inabot ng mahigit na dalawang oras ang biyahe ni Reyes mula Quezon City at dumating siya sa venue dalawang minuto bago naubos ang grace period upang ideklara na default na sila sa laban.
“Sobrang traffic. Usually ay one to one-and-a-half hours ang biyahe ko,” wika ng 26-anyos na nagsisimula na ring maging coach na si Reyes.
Wala na sa men’s singles si Reyes matapos ma-default sa kanyang round-of-32 match noong Linggo kaya’t gusto niyang magkaroon ng magandang resulta ang kampanya nila ni Lazaro na siya ring eight seeds sa torneo.
Ang iba pang mga seeded na umabante sa round-of-32 ngayong umaga ay sina 5th seed Fritz Verdad at Ala Michel Madrid, 12th seed Jimmy Tangalin at Marvelous Cortez at 13th seed Andrew Tangalin at Jordan Villanueva.
Ang top seed na si Johnny Arcilla at Patrick John Tierro, 2nd seed Elbert Anasta at Marc Anthony Alcoseba, 3rd seed Ronard Joven at Francis Casey Alcantara at 4th seeed Roel Capangpangan at Joseph Arcilla ay naka-bye sa first round.
Ang men’s singles ay magpapatuloy ngayon.
Ang finalists ng men’s singles ay may slot sa main draw ng 2015 Manila International Tennis Federation (ITF) Men’s Futures Leg 2 na magsisimula sa Oct. 2 habang ang mga players na aabot sa quarterfinals at semifinals ay papasok naman sa qualifying round. Tanging ang mananalo sa doubles division ang mabibigyan ng slot sa ITF main 16-pair main draw.
- Latest