^

PM Sports

Low Profile, Sky Hook umangat

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinandalan ng mga kabayong Low Profile at Sky Hook ang mga panalong naitala noong Agosto para umangat ng puwesto sa pagalingan ng mga pangarerang kabayo.

Nagwagi ang Low Profile sa Challenge of Champions Cup na pinag-labanan sa 1,750m distansya at bahagi ng Mayor Ramon D. Bagatsing Cup Racing Festival habang ang Sky Hook ay nagdomina sa PCSO National Grand Derby para madagdagan ang kita ng mga kabayong nabanggit.

Dalawang panalo ang nakuha ng Low Profile noong nakaraang buwan upang lumawig na sa siyam na panalo at apat na segundo puwestong pagtatapos ang karta para umakyat ito ng isang puwesto tungo sa pang-apat sa P2,830,220.99 kinita.

Nasa ika-10 puwesto matapos ang buwan ng Hulyo, ang Sky Hook na kumubra ng P800,000.00 gantimpala sa panalo sa PCSO race ay nasa ikalimang puwesto na bitbit ang P2,652,918.94 mula sa apat na panalo at dalawang tersero puwestong pagtatapos.

Tiyak na ilalaban pa ang dalawang mahuhusay na  kabayong ito para matiyak na aakyat pa sa kinalulugarang puwesto.

Hindi naman nawala ang tatlong nangungunang mga kabayo na Skyway, Superv at Court Of Honour kahit hindi mas-yadong naging aktibo sa nagdaang buwan.

Isang tersero puwes-tong pagtatapos lamang ang naidagdag sa karta ng Skyway para isama sa limang panalo at dalawang segundo puwestong pagtatapos pero kapit pa rin ng kabayong pag-aari ni Atty. Narciso Morales ang unang puwesto sa P3,165,034.41 kita.

Bakasyon pa rin ang first leg Triple Crown champion Superv para manatiling nasa ikalawa sa P3,003,949.69 sa apat na panalo, dalawang segundo at tatlong tersero habang ang third leg TC champion Court Of Honour ay nagkaroon lamang ng isang tersero puwestong pagtatapos tungo sa 4-1-4 una hanggang pangatlong puwesto karta at may P2,848,788.79 kita.

Ang Messi ay nasa ikaanim na puwesto sa P2,438,435.00 (11-3-2-0) na sinundan ng Miss Brulay na may  P2,362,949.67 (4-0-0-0), Princess Ella na may P1,968,415.66 (5-2-1-2), Strong Champion na may P1,865,100.21 (4-3-4-0) at Gentle Strength na may P1,858,100l.21 (3-0-2-0).

vuukle comment

ANG

ANG MESSI

BAGATSING CUP RACING FESTIVAL

CHALLENGE OF CHAMPIONS CUP

COURT OF HONOUR

GENTLE STRENGTH

LOW PROFILE

MAYOR RAMON D

MISS BRULAY

PUWESTO

SKY HOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with