^

PM Sports

Letran lalapit sa Final 4

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapalawig ng kanilang pangunguna ang Letran College para makalapit sa isang tiket sa Final Four, habang tatargetin naman ng Mapua ang kanilang pang-limang sunod na panalo nang wala si coach Atoy Co.

Magsasagupa ang Knights at ang Cardinals ngayong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng Jose Rizal Heavy Bombers at ng sibak nang St. Benilde Blazers sa alas-2 sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament at The Arena in San Juan City.

“They’re already a strong team and getting stronger each game,” sabi ni Letran rookie coach Aldin Ayo sa Mapua na hindi maigigiya ni Co matapos mapatawan ng two-game suspension.

Napatalsik si Co sa 70-66 panalo ng Cardinals laban sa Lyceum Pirates noong Biyernes makaraang mapatawan ng technical foul sa fourth quarter.

Nabigyan din ang PBA legend ng one-game suspension sa laban ng Mapua kontra sa Lyceum sa first round.

Itatapat ng Cardinals sina import Allwell Orae-me, Justin Serrano, Mark Brana at JP Nieles sa ‘Big Three’ ng Knights na sina point guard Mark Cruz, forward Kevin Racal at Rey Nambatac.

Matapos ang Mapua ay susunod na lalabanan ng Letran ang Jose Rizal sa Setyembre 18, ang Arellano sa Setyembre 25, ang Perpetual Help sa Oktubre 2 at ang five-peat champions na San Beda sa Oktubre 6.

Magpapalakas din ng kanilang tsansa sa Final Four ang Heavy Bombers matapos umiskor ng 87-64 panalo sa talsik nang Emilio Aguinaldo College Generals noong nakaraang Biyernes.

“May chance pa naman kami. Ang iniisip na lang namin, one game at a time. Malay natin, maka-straight kami,” sabi ni Jose Rizal mentor Vergel Meneses.

 

ACIRC

ALDIN AYO

ALLWELL ORAE

ANG

ATOY CO

BIG THREE

BIYERNES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

JOSE RIZAL

MAPUA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with