Venezuela ginitla ang Argentina sa finals ng 2015 FIBA Americas
MEXICO CITY - Umiskor si Heissler Guillent ng 15 points at ginulat ng dehadong Venezuela ang Argentina, 71-67, para angkinin ang FIBA Americas championship sa unang pagkakataon.
Nauna nang tumipa si Guillent ng 19 points sa kanilang panalo sa Canada sa semifinals.
Ang Venezuela at Spain ay awtomatikong nakakuha ng tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janerio, Brazil.
Ito ang unang Olympic berth na nakuha ng Venezuelans sapul noong 1992 sa Barcelona.
Tinalo naman ng Canada ang Mexico, 84-83, sa third-place game.
Nagdagdag si John Cox ng 12 points kasunod ang 11 ni Windi Graterol para sa Venezuela, ang runner-up noong 1992 FIBA Americas championship.
Nakamit ng Venezuela ang titulo sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang best player na si Greivis Vazquez, ang point guard ng Milwaukee Bucks.
Kumamada naman si Andres Nocioni ng 21 points, habang may 14 si Luis Scola para sa Argentina.
- Latest