^

PM Sports

Argentina at Venezuela pasok sa 2016 Olympics

Pang-masa

MEXICO CITY – Nagposte si NBA vete­ran Luis Scola ng 18 points at 10 rebounds pa­ra ihatid ang Argentina sa 78-70 panalo la­ban sa Mexico sa semifinals ng FIBA Americas Championship at angki­nin ang isang tiket sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

Nagdagdag si Facun­do Campazzo ng 15 points para sa Argenti­nians na nakabangon mu­la sa 11-point deficit sa Mexicans.

Ito ang ikaapat na su­nod na pagkakataon na maglalaro ang Ar­gen­tina sa Olympics at ipaparada ang natitirang dalawang miyembro ng koponang kumuha ng gold medal noong 2004 at bronze medal noong 2008.

Umiskor naman si Jor­ge Gutierrez ng 17 points sa panig ng Me­xico.

Samantala, nagsalpak si Gregory Vargas ng isang free throw sa na­titirang 0.3 segundo pa­ra itakas ang Vene­zuela laban sa Canada, 79-78, at makapasok sa 2016 Rio Olympics.

Tumipa si Windi Gra­terol ng 20 points, ha­bang may 19 si Heis­sler Guillent para sa unang paglalaro ng Ve­nezuela sa Olympics ma­tapos noong 1992 sa Bar­celona.

Nagtabla sa 78-78, na­kuha ni Vargas ang offensive rebound at na-foul ni Aaron Doornekamp bago tumunog ang final buzzer.

Naipasok ni Vargas ang una niyang free throw at sadyang imi­nin­tis ang ikalawa.

Nagtala si Kelly Olynyk ng 34 points at 13 rebounds para sa Canadian team na huling ku­mampanya sa Olympics noong 2000.

AARON DOORNEKAMP

ACIRC

AMERICAS CHAMPIONSHIP

ANG

GREGORY VARGAS

KELLY OLYNYK

LUIS SCOLA

OLYMPIC GAMES

RIO DE JANEIRO

RIO OLYMPICS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with