^

PM Sports

Blaze Spikers hindi uurong sa mga kalaban sa Asian Women’s Club meet

Pang-masa

PHULY, Vietnam – Ma­aaring mabigat ang kompetisyon, ngunit ang misyon ng Petron ay ang makatapos na may magandang kartada sa 2015 AVC Asian Wo­men’s Club Championship dito sa Ha Nam Com­petition Hall.

Kumpiyansa ang Bla­ze Spikers, nagreyna sa nakaraang Philippine Superliga Grand Prix, na mabibigyan nila ng ma­gandang laban ang mga club teams sa Asya para sa tsansang umabante sa FIVB World Women’s Club Champion­ship sa su­sunod na taon.

Isa sa mga kasaluku­yang nilalabanan nila habang isinusulat ito ay ang eksperyensadong 4.25 Sports Club ng North Korea.

Ang upset victory sa North Koreans ang tiyak na magpapalakas sa loob ng Petron sa pagharap sa Islamic Azad Univer­sity ng Iran bukas, sa two-time champions na Hisamitsu Seiyaku Springs ng Japan sa Mar­tes at sa Zhejiang ng China sa Miyerkules sa kanilang mga classification matches.

Sa nakaraang edis­yon ng torneo na idi­naos sa Nakhon Pa­thom, Thailand ay pu­mang-walo ang bansa, kinatawan ng PLDT katuwang sina imports Mi­sao Tanyama ng Japan at Regla Bell ng Cu­ba, sa 10 kalahok.

Ang korona ay ki­nuha ng Hisamitsu Springs ng Japan kasunod ang Tianjin Bohai Bank ng China at Zhetyssu Taldykorgan ng Ka­zakhstan.

“That’s how tough this competition is,” pahayag ni Petron coach George Pascua.

“But we will try our very best to surpass the finish of the Philippines last year. I am confident with my team. Our core players have been pla­ying together for almost two years and we’re just tweaking some plays to accommodate our new player, Abby (Maraño), as well as our imports (Ru­pia Inck Furtado and Erica Adachi),” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Pascua na may estratehiya sila pa­ra mawala ang height advantage ng kanilang mga kalaban.

Inaasahang gagamitin ng Blaze Spikers ang kanilang mga backrow attacks.

“This is an elite tour­nament. Everybody pre­pared something to get ahead of the compe­tition,” sabi ni Pascua. “We will carefully stu­dy them in the first set. Kumbaga sa boxing, jab-jab muna. Then, ka­pag nakita na natin ang weakness ng kalaban, sa­ka tayo aatake.”

Ang Petron ay binu­buo nina Rachel Anne Da­quis, Dindin Mana­bat, Ces Molina, Fille Ca­yetano, Jen Reyes, Acy Masangkay, Mina Aga­non, Mayette Za­pan­ta, Aia del Mundo at skipper Maica Morada.

ACIRC

ACY MASANGKAY

ANG

ANG PETRON

ASIAN WO

BLAZE SPIKERS

CES MOLINA

CLUB CHAMPION

CLUB CHAMPIONSHIP

PETRON

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with