^

PM Sports

UP sinilat ang La Salle

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinugtungan ng UP Fighting Maroons ang panggugulat nang kalusin ang La Salle Green Archers, 71-66 habang kuminang uli si Ed Daquioag para sa UST Tigers na pinataob ang FEU Tamaraws, 72-71  sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sina Jett Manuel, Andres Desiderio, Christian Moralde at Piero Longa ang mga kumana sa ikalawang yugto para bigyan ang Maroons ng 41-28 kalamangan sa half time at ito ay napangalagaan nila tungo sa 71-66 panalo.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Maroons at ang tagumpay sa Archers ang tumapos sa sampung sunod na kabiguan na nagsimula anim na taon na ang nakakaraan.

“Nobody expected us to be at 2-0. This is the fruit of the hard work of the players,” wika ni Maroons rookie coach Rensy Bajar.

Sina Manuel, Deside-rio at Longa ay naghatid ng 14, 13 at 10 puntos para sa Maroons na huling nagtala ng 2-0 karta noon pang 2005.

Sina Paolo Rivero, rookie Andrei Caracut at Jeron Teng ay nagtapos taglay ang 15, 12 at 10 puntos pero ininda ng Archers ang 36.4% shooting (24-of-66), kasama ang 3-of-24 sa 3-point arc upang bumaba sa 1-1 baraha.

Matapos ang 28 puntos sa panalo ng Tigers laban sa Adamson, si Daquioag ay mayroong 18 puntos at 12 rito ay ginawa sa huling yugto.

Tatlo lamang sa siyam na attempts ang naisalba ni Daquioag sa huling yugto at ang anim na sunod na buslo ang nagbangon sa Tigers mula sa 66-67 iskor.

Nasundan pa ito ng mga errors ng Tamaraws sa huling mahahalagang plays. Nakadikit ang FEU sa 72-71 pero nawala ang bola kay Mac Bello sa hu-ling play  upang makasalo ang Tigers sa liderato.

“Naririto kami ngayon dahil sa puso ng mga players, gusto nilang manalo,” wika ni Tigers coach Segundo Dela Cruz. (AT)

ANDREI CARACUT

ANDRES DESIDERIO

ANG

CHRISTIAN MORALDE

DAQUIOAG

ED DAQUIOAG

FIGHTING MAROONS

JERON TENG

LA SALLE GREEN ARCHERS

MAC BELLO

PIERO LONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with