^

PM Sports

Lady Blazers binigo ang Lady Chiefs; No. 4 seat napasakamay ng Tigresses

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang set na lamang ang kinailangang ipana­lo ng Arellano Lady Chiefs upang makahirit ng playoff para sa hu­ling upuan sa semifinal round ng Shakey’ V-League Season 12 Col­le­giate Conference.

Pero iba ang nangya­ri dahil naitaas ng St. Benilde Lady Blazers ang kanilang laro, habang tila isang nauupos na kandila ang NCAA champions na Lady Chiefs para angkinin ang 23-25, 25-27, 25-23, 25-23, 15-10 panalo sa pagtatapos ng quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Janine Navarro ay may nangungunang 31 puntos, habang tu­mu­long sina Jeanette Pa­naga, Ranya Musa at Melanie Torres sa mahahalagang tagpo ng laro upang wakasan ng St. Benilde ang kampanya bitbit ang unang panalo sa pitong laro.

Patok ang Arellano at naipakita nila ang la­rong inaasahan nilang ilalabas sa naunang da­la­wang set.

Ngunit noong unti-unti nang bumabangon ang Lady Blazers ay na­sira ang focus ng Lady Chiefs para madisgras­ya ang hinahangad na playoff.

Ang pagkulapso ay makikita sa 44 errors ng Lady Chiefs upang ibi­gay na ang ikaapat at huling tiket sa Final Four sa UST Tigresses.

Sa Sabado magsisi­mula ang best-of-three semifinals series at katapat ng UST ang Ateneo Lady Eagles, habang ang mga nagtuos sa finals noong nakaraang taon na FEU Lady Ta­ma­raws at National University Lady Bulldogs ang magkikita sa ikalawang Final Four match.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

FINAL FOUR

JEANETTE PA

LADY

LADY BLAZERS

LADY CHIEFS

LADY TA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with