Curry kampi sa Philippine team
MANILA, Philippines – Hindi itinago ni NBA superstar Stephen Curry ang kanyang paghanga sa Gilas Pilipinas.
“There’s a small of group of people that play the game at that level. When your whole country is behind you, there’s no greater feeling,” sabi ni Curry, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, sa Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin.
Kaagad pinagkaguluhan ang 27-anyos na si Curry at maski si actor Daniel Padilla ay nagpakuha ng litrato kasama siya at sinabing ito ay “dream come true” para sa kanya.
Si Curry, ang 2015 NBA Most Valuable Player awardee at naging instrumento sa paghahari ng Golden State Warriors sa nakaraang NBA Finals kontra sa Cleveland Cavaliers ni LeBron James, ay nanggaling sa Tokyo, Japan.
Nasa bansa si Curry bilang bahagi ng five-city, three-country roadshow ng Under Armour.
Nakatakdang magtungo kagabi si Curry sa China para bumisita sa Beijing, Chongqing at Shanghai.
Bukod kay Curry, nauna nang bumisita sa bansa sina James, Ricky Rubio ng Minnesota Timberwolves, Kenneth Faried ng Denver Nuggets at San Antonio Spurs guard Danny Green.
- Latest