Perlas pinatumba ang Sri Lanka
MANILA, Philippines – Ipinoste ng Perlas Pilipinas ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos pabagsakin ang Sri Lanka, 65-45, sa 2015 FIBA Asia Women’s Championship Level 2 sa Wuhan, China.
Tumipa si Shelley Anne Gupilan ng 15 points, habang kumolekta si Ewon Arayi ng 9 points at 6 steals para sa mga Filipina cagebelles.
Nauna nang nanalo ang Perlas Pilipinas ng isang come-from-behind 68-67 victory kontra sa North Korea noong Linggo.
Itinaas ng Perlas Pilipinas ang kanilang kartada sa 2-1 matapos mabigo sa Malaysia, 64-71, noong Sabado.
Hangad ng mga Pinay na tumapos sa top two para makaakyat sa Level 1.
Kumamada ang Perlas Pilipinas ng 17 sunod na puntos sa second quarter para iwanan ang mga Sri Lankans sa 36-20.
Nakatakdang harapin ng mga Pinay ang Hong Kong ngayon.
PERLAS PILIPINAS 65 – Gupilan 15, Arayi 9, Sambile 9, Resultay 7, Borja 6, Bernardino 6, Lim 4, Tongco 4, Miranda 3, Roman 2, Animam 0.
Sri Lanka 45 – Silva 10, Don Thalagala 9, Juwan Pedige 7, Beruwalage 6, Gunawijeya 5, Rajapakse 4, Ekanayake 4, Wanniachchige 0, Perera 0, Gallage 0, Thewahettige 0.
Quarterscores: 14-14; 36-20; 46-29; 65-45.
- Latest