Perlas tinakasan ang North Korea
MANILA, Philippines - Bumangon ang Perlas Pilipinas mula sa naunang kabiguan matapos talunin ang North Korea, 68-67, para sa kanilang unang panalo sa 2015 FIBA Asia Women’s Championship Level II kahapon sa Wuhan, China.
Kumamada si Cindy Resultay ng 14 points sa fourth quarter, kasama rito ang krusyal na three-point play sa huling 40 segundo para sa 68-66 abante ng Perlas Pilipinas kontra sa North Korea.
Ang split naman ni Jang Mi Gyong ang nagdikit sa North Korea.
Nagsalpak si Resultay ng dalawang tres sa final canto para sa Nationals na unang natalo sa Malaysia, 64-71.
Pinatumba naman ng Kazakhstan ang Malaysia, 73-65, para sa kanilang 2-0 record.
Makakaharap ng Perlas Pilipinas ngayon ang Sri Lanka at hangad ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa torneo.
Umiskor din si Allana May Lim ng 14 puntos kasunod ang tig-11 nina Raiza Rose Dy at Afril Bernardino.
- Latest