^

PM Sports

Kirilenko nangakong aayusin ang magulong Russian Basketball

Pang-masa

MOSCOW — Nahalal ang dating NBA player na si Andrei Kirilenko na president ng magulong Russian Basketball Federation nitong Martes.

Ang ex-Utah Jazz at Brooklyn Nets small forward, lumaro ng 13-seasons sa NBA ay walang na-ging kalaban sa posisyon sa eleksiyon sa Moscow – ilang oras matapos umatras ang kanyang mahigpit na karibal na si Russian national team general ma-nager Dmitry Domani.

Hahawakan ni Kirilenko ang organization na nasa krisis matapos suspindihin noong July ng FIBA dahil sa ilang taon nang kaso sa korte ng organisasyon kung saan binalewala ang resulta ng eleksiyon ng huling pamunuan.

Ang dating NBA All-Star na kakaretiro lamang noong June ay tumakbo bilang unity candidate at reformer at sinabi niya sa kanyang mga kasama na “you are all my team” at nangakong aayusin ang krisis sa Russian basketball.

Ang unang kailangang gawin ni Kirilenko ay ayu-sin ang relasyon ng kanilang pederasyon sa FIBA na nagsabing handa silang tanggalin ang suspension sa Russia kung makikita nila ang pagbabago sa federation.

Kailangan din niyang pagtuunan ng pansin ang paghahanda ng Russian men’s national team para sa Olympic qualification na European Championship sa susunod na buwan.

Kasama si Kirilenko sa Russian team na nanalo ng Olympic bronze noong 2012 ngunit ilang buwan nang may problema ang Russia at may tensiyon na sa pagitan ng players at federation officials at kamakailan ay natalo sila ng 34 points sa Serbia.

“It’s really important to spend time on preparation, so that there is the most positive possible atmosphere in the 10 days that are left until the European Championship,” sabi ni Kirilenko. “We really don’t want our players to have any problems with their preparation.”

Nabigo nang mag-qualify ang Russian wo-men’s team para sa Olympics sa susunod na taon sa Rio de Jainero.

Sa longer term, sinabi ni Kirilenko na prayoridad niya bilang presidente ang paghikayat ng mga kabataan sa basketball na nawawalan na ng fans sa Russia.

vuukle comment

ACIRC

ANDREI KIRILENKO

ANG

BROOKLYN NETS

DMITRY DOMANI

EUROPEAN CHAMPIONSHIP

HAHAWAKAN

JAINERO

KIRILENKO

RUSSIAN BASKETBALL FEDERATION

UTAH JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with