^

PM Sports

Altas diniskaril ng Cardinals

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kagaya ng naunang sinabi ni Perpetual Help coach Aric Del Rosario bago ang kanilang laro, hindi puwedeng balewalain ang Mapua.

Pinigilan ng Cardinals na makasosyo sa liderato ang Altas nang tangayin ang 70-65 panalo para buhayin ang kanilang tsansa sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Humakot si Nigerian import Allwell Oraeme ng 19 points, 14 rebounds at 3 assists para sa pang-limang panalo ng Mapua sa 10 laro at ipinatikim sa Perpetual ang ikatlong pagkatalo nito.

Ang basket ni Nigerian import Bright Akhuetie ang naglapit sa Altas sa 65-68 agwat at nagkaroon ng tsansang makatabla matapos ang turnover ng Cardinals sa huling 21 segundo.

Samantala, inilagay naman sa protesta ng Arellano Chiefs ang kanilang 112-114 double overtime loss sa Jose Rizal Heavy Bombers.

Iginiit ng Chiefs na isang two-point basket lamang ang naipasok ni Tey Teodoro para sa Heavy Bombers at hindi three-pointer na idineklara ng mga referees.

Ang nasabing basket ni Teodoro ang nagbigay sa Jose Rizal ng 113-109 abante sa ikalawang overtime.

Gumanti ng tres si Jio Jalalon sa huling anim na segundo para sa Chiefs at kaagad nagbigay ng foul kay Gio Lasquety sa natitirang 1.2 segundo sa pag-aakalang lamang ang Heavy Bombers ng isang puntos.

Sa isang video review ay napatunayang nasa loob ng three-point arc ang paa ni Teodoro.

Bagama’t itinama ng mga referees ang nasabing basket ni Teodoro ay hindi naman nila nabawi ang foul kay Lasquety na nagsalpak ng dalawang game-winning free throws.

JRU 114 - Pontejos 32, Poutouochi 21, Teodoro 16, Astilla 10, Dela Paz 10, Cruz 9, Lasquety 8, Dela Virgen 3, Grospe 2, Sanchez 2, Abdulwahab 1, Estrella 0.

Arellano 112 - Jalalon 36, Holts 21, Nicholls 20, Enriquez 10, Bangga 9, Cadavis 6, Meca 5, Salado 3, Ortega 2, Capara 0, Gumaru 0.

Quarterscores: 19-21; 40-35; 66-63; 87-87; 98-98; 114-112.

MIT (70) - Oraeme 19, Biteng 12, Serrano 11, Nieles 9, Menina 9, Brana 4, Que 4, Aguirre 2, Dela Rosa 0, Raflores 0.

UPHSD (65) - Akhuetie 18, Thompson 14, Danga-ngon 11, Dizon 5, Eze 4, Oliveria 4, Sadiwa 3, Bantayan 2, Coronel 2, Gallardo 2, Cabiltes 0, Elopre 0, Tamayo 0, Ylagan 0.

Quarterscores: 20-13, 46-29, 59-42, 70-65.

ALLWELL ORAEME

ALTAS

ANG

ARELLANO CHIEFS

ARIC DEL ROSARIO

BRIGHT AKHUETIE

DELA PAZ

DELA ROSA

HEAVY BOMBERS

STRONG

TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with