Gustong isalba ni Kirilenko ang Russian basketball
MOSCOW — Matapos ang higit sa isang dekadang paglalaro sa NBA ay susubukan naman ni All-Star Andrei Kirilenko na iligtas ang basketball sa kanyang bansang Russia.
Matapos tulungan ni Kirilenko ang kanyang national team na kunin ang Olympic Games bronze medal noong 2012 ay humina na ang Russian basketball.
May posibilidad na hindi maka-laro ang Russia sa 2016 Olympics at nawawalan na rin ng mga fans ang basketball dahil lumipat na ang mga ito sa soccer at ice hockey.
Ngunit kumpiyansa si Kirilenko na may magagawa siya para sa ikauunlad ng Russian basketball.
“A couple of years ago, (basketball) was the fourth or third (most popular) sport; right now I think it’s seventh, something like that,” sabi ng 6-foot-9 forward. “I want basketball to be popular and to be in every house in our country.”
Nagretiro sa paglalaro si Kirilenko noong Hunyo matapos ang kanyang final season para sa koponan ng CSKA Moscow.
Ngayon ay nakahanda siyang sumuong sa Russian basketball politics kung saan hangad niyang maging presidente ng Russian Basketball Federation, isang organisasyon na laging may iskandalo at nasuspinde ng international governing body na FIBA.
Tinuligsa si Kirilenko sa Russia dahil sa pagkakaroon ng US passport bukod sa kanyang Russian nationality matapos maging American citizen noong 2011 habang naglalaro para sa Utah Jazz sa NBA.
“People who talk about that, they want to be picky, they want to find something that doesn’t fit a good profile,” sabi ni Kirilenko. “I was born in Russia, the whole of my life I’ve been a Russian and I will die a Russian.”
Si Kirilenko ang tanging kandidato para sa RBF presidential election, ngunit maaari siyang hamunin ni national team general manager Dmitry Domani.
Kung mananalo ay nangako si Kirilenko na babaguhin niya ang Russian basketball.
“We got used to working a certain way, I call it the old-fashioned way,” ani Kirilenko sa isang speaking engagement sa central Moscow.
Gagamitin niya ang kanyang cele-brity profile para makahikayat siya ng sponsors, makakuha ng modern management techniques at makaakit ng mga batang gustong lumahok sa long-term project para buhayin ang kanilang national team.
“Right now, we’re choosing from 20, 30 people (for the national team), but I want there to be a big number, I want it to be 300, so we have the privilege of choice,” ani Kirilenko.
- Latest