Racal, Cruz magpapasikat para sa Letran Knights
MANILA, Philippines - Tiyak na magpapa-kitang-gilas sina team captain Kevin Racal at Mark Cruz para sa Letran Knights sa pagsagupa sa six-time champions na San Sebastian Stags sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Ito ay dahil nahugot sina Racal at Cruz bilang No. 11 at No. 30 overall pick ng Alaska at Star, ayon sa pagkakasunod, sa 2015 PBA Rookie Draft noong Linggo.
Sina Racal at Cruz, kasama si Rey Nambatac, ang bumubuo sa ‘Big Three’ ng Letran.
Target ang kanilang ikalawang sunod na panalo at ang patuloy na pangunguna, lalabanan ng Knights ang Stags ngayong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng five-peat titlists na San Beda Red Lions at Emilio Aguinaldo College Ge-nerals sa alas-2.
Tinalo ng Letran ni rookie coach Aldin Ayo ang San Sebastian ni mentor Rodney Santos, 82-76 sa first round noong Hulyo 21.
“We need to continue to play like we’re despe-rate for a win. That’s what got us through so far,” sabi ni Ayo.
Samantala, haharap naman ang Red Lions sa Generals na wala si 6-foot-8 Nigerian import Ola Adeogun matapos siyang patawan ng NCAA Management Committee ng one-game suspension.
“He is suspended for one game and San Beda will pay for the damage he caused,” wika ni ManCom chairman Melchor Divina ng Mapua kay Adeogun na binasag ang glass door ng kanilang locker room sa halftime ng laban ng Red Lions at Arellano Chiefs noong nakaraang linggo.
Natalo ang San Beda sa Arellano, 84-88 para sa ikalawang kabiguan nito sa siyam na laro.
Ang kamador ng Red Lions na si forward Arthur Dela Cruz ay nahugot naman bilang No. 9 overall ng Blackwater sa PBA Rookie Draft.
- Latest