^

PM Sports

Chiefs pinaamo ang Red Lions

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagkait ng 2014 runner-up Arellano Chiefs sa five-peat champions na San Beda Red Lions na masolo ang ikalawang puwesto papasok sa second round.

Ito ay makaraang tapusin ng Chiefs ang five-game winning streak ng Red Lions sa bisa ng 88-84 panalo para solohin ang ikatlong puwesto sa pagsasara ng first round ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikalawang panalo ng Chiefs laban sa Red Lions sa kanilang 16 beses na paghaharap.

Itinala ng Arellano ang 11-point lead, 84-73 sa huling 3:14 minuto ng fourth quarter bago nakalapit ang San Beda sa 81-84 mula sa three-point play ni Arthur Dela Cruz sa huling 39.1 segundo.

Sinelyuhan ni Dioncee Holts ang ikaanim na panalo ng Chiefs matapos isalpak ang dalawang free throws sa natitirang 1.3 segundo.

Tumapos si Dioncee na may 22 points kagaya ng produksyon ni point guard Jia Jalalon na nagtala pa ng 8 assists, 6 rebounds at 4 steals para sa Arellano.

Sa unang laro, humugot si Nigerian import Bright Akhuetie ng 10 sa kanyang 31 points sa overtime, habang itinala ni Earl Scottie Thompson ang kanyang pangatlong triple-double sa season para itakas ang Perpetual Help laban sa Jose Rizal, 86-83.

Ipinoste ni Thompson ang 13 points, 13 rebounds at 17 assists para sa ikatlong sunod na panalo ng Altas.

Itinabla ni Dave Sanchez ang Heavy Bombers sa 73-73 mula sa kanyang 3-pointer sa natitirang 1.2 segundo para itulak ang overtime period.

“Mahirap kalaban ang JRU kasi marami silang shooters,” sabi ni Perpetual coach Aric Del Rosario sa Jose Rizal na pinangunahan ni Tey Teodoro sa kanyang 28 points, ang 13 dito ay kanyang iniskor sa third quarter.

Sa juniors’ division, tinalo ng San Beda Red Cubs ang Arellano Braves, 86-81 para kumpletuhin ang nine-game sweep sa first round, habang pinatumba ng Jose Rizal Light Bombers ang Altalettes, 89-66 para sa kanilang 1-8 baraha.

vuukle comment

ANG

ARELLANO

ARELLANO BRAVES

ARELLANO CHIEFS

ARIC DEL ROSARIO

ARTHUR DELA CRUZ

BRIGHT AKHUETIE

DAVE SANCHEZ

DIONCEE HOLTS

JOSE RIZAL

RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with