^

PM Sports

4-sunod na panalo sa La Salle Spikers

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinapos ng La Salle Archers ang kampanya sa elimination round taglay ang apat na sunod na panalo matapos gapiin ang UP Maroons, 25-22, 24-26,15-25, 25-13, 15-13, panalo sa Spikers’ Turf Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 60 attack points ang Archers sa kabuuan ng labanan at ang kill ni Raymark Woo ang nagbigay ng double match point para tuluyang maipakita na nakabangon na sila sa pagkatalo sa Ateneo Eagles sa unang laro.

May 15 attack points si Woo tungo sa 17 puntos habang ang nanguna sa La Salle ay si John Arjay Onia sa kanyang 25 puntos, tampok ang 20 kills.

Nakatulong din ang magandang digging ng La Salle sa pangunguna ng kanilang libero na si Jopet Adrian Movido na may 15 digs bukod sa 11 excellent receptions.

May 10 digs pa si Mike Anthony Frey para itulak ang La Salle sa 42-22 bentahe sa natu-rang departamento.

Dumaan din sa butas ng karayom ang NCBA Wildcats bago naitakas ang 25-22, 25-20, 21-25, 18-25, 16-14 panalo laban sa  UE Warriors sa ikalawang laro.

Hindi naman pinalad ang UE na makatikim ng panalo tulad ng nalasap ng Arellano sa Group B.

Ang nangunang apat na koponan sa magkabilang pangkat ay uusad sa quarterfinals na sisimulan sa Lunes. (AT)

ANG

ATENEO EAGLES

GROUP B

JOHN ARJAY ONIA

JOPET ADRIAN MOVIDO

LA SALLE

LA SALLE ARCHERS

MIKE ANTHONY FREY

RAYMARK WOO

SAN JUAN CITY

TURF COLLEGIATE CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with